It's simple, just be you...
Saturday, November 27, 2010
Beyond Ordinary: The Extraordinary
You don't need to fly, walk through walls, and have a heat vision to be extraordinary.
Wednesday, November 24, 2010
Tuesday, November 23, 2010
Anong Ibig Sabihin ng PUP??: Gabay Para sa Gusto Magaral sa Polyteknikong Unibersidad ng Pilipinas
"Alam mo ba kung ano ibig sabihin ng PUP?"
"Politeknik Yunibersiti op da Pilipins po..."
"Mali... Pila Ulit Pila."
Corny ng joke pero may sense nga naman.
Ito ang biro sa'kin ng lalaki sa accounting office sa 1st Floor South Wing para maayos ang ACE Form. Sabi nila merong libo-libong estudyante ang nag-aaral sa unbersidad na ito upang makatipid sa pag-aaral at napaka-liit nga ng tuition fee dito kumpara sa iba pang unibersidad. Akalain mo yun?! 12 pesos per unit lang? Ang apat na taon sa PUP ay parang isang semester ko palang yun sa Ateneo de Manila na libreng pamasahe na taxi araw-araw eh at may sukli pa. Tama nga ang sabi sa Himno ng PUP: 'Kami ay lumaki na salat sa yaman'.
Masaya sa PUP maniwala ka sa 'kin. Overlooking ang Pasig River, Online ang registration (hi-tech!), may swimming pool, at may state of the art facilities with matching vandalism pa.
Pilahan nga sa PUP. Kung freshman ka at pumila ka sa admission office, medical clearance, cashier, interview para sa admission ng course mo. P'wes, wala ka pa sa kalahati ng malabakbakang pilahan, with matching singitan at sigawan. Marami kang pipilahin lalo na pag-mahilig ka sa number three, four at five(you know). So sasabak ka parin?
Halos 50 estudyante sa ngayon ang nagshe-share sa maliit na classroom at araw-araw naglalaro ng trip to jerusalem at agawan ng upuan. Kung hindi ka sanay sa ingay, masasanay ka pag-nagaral ka dito. Lalo na kung sa main building ka naka-room.
Makakilala ka ng iba't-ibang uri ng low pay professors. May mga masisipag, matatalino, may tamad, tambay lang, at meron ding hindi mo talaga makikilala dahil puro student teacher ang pinagtuturo.
Tungkol sa mga nababalitaang aktibista sa PUP... Sila ay ang mga ate at kuya sa PUP. Masasabi ko rin na sila ay mahuhusay na estudyante, at parte nga dito sa mahuhusay ang pagiging persuasive nila at makabansa. Magaling sila magsalita, mga high-end sila sa PUP. Maganda ang kanilang mga opinyon at suhestyon sa gobyerno at ating inirerespeto ang karapatang pantao na malayang pagpapahayag ng damdamin. Nadala lang siguro sila ng emosyon nila kaya nagtatapon-tapon sila ng upuuan. Na sa tingin ko naman ay hindi tama.
Pero masarap mag-aral sa PUP, hindi lang dahil mababa ang tuition, at pilahan to the max. Kundi dito mo lang mararamdaman ang buhay ng isang estudyanteng Pilipino kung saan walang mayaman o mahirap kundi isang PUPian.
-LJ
Sunday, November 21, 2010
Why purple?
Purple has a special, almost sacred place in nature: lavender, orchid, lilac, and violet flowers are often delicate and considered precious. Because purple is derived from the mixing of a strong warm and strong cool color it has both warm and cool properties. A purple room can boost a child's imagination or an artist's creativity. Too much purple, like blue, could result in moodiness.
It just tend to say that purple is a neutral color. Not too warm, not to cool. Just right. Whenever I see purple, my mind scatters like a star about to burst in a supernova. My imagination burst apart and my creativity increase by thirty percent. I suggest that you go out and see more purples!!
And I still wonder why LRT line 2 is called "the purple line".
Well I think it's cute and awesome!
Subscribe to:
Posts (Atom)
